Halaran sa capiz
pinagdiriwang ang Sinadya sa Halaran Festival tuwing ika-4 hanggang ika-8 ng Disyembre bilang pag-alaala sa kapistahan ng Immaculada Concepcion, na siya ring patron ng lungsod ng Roxas. Ginagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng malalaki at makukulay na parada sa kalsada at sa pangunahing ilog ng lalawigan. Mayroon ding parada upang ipakita ang mga produkto mula sa dagat, na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayaN ng mga naninirahan sa Roxas at Capiz.
Ang Sinadya sa Halaran ay isa sa pinakaimportanteng pagdiriwang sa Roxas. Ito ay pag-iisa ng dalawang magkaibang pagtitipon, ang “Sinadya” para sa lungsod at “Halaran” para sa lalawigan.
Ang mga katagang Sinadya sa Halaran ay nangangahulugang “saya sa pagtulong at pasasalamat”.
Sa Pasundayag Capiznon ay ipinapamalas ang iba't ibang piyesta ng lahat ng bayan at lungsod sa Capiz. Kinatatampukan ito ng pagpapamalas ng uri ng pamumuhay sa lungsod ng Roxas sa pamamagitan ng makukulay na pananamit at masayang pagpaparada at pagsasayaw. Ginaganap ito sa mga pangunahing kalsada ng Roxas kung saan nagkakaroon ng parada at sayawan. Sa hapon naman ay ginaganap ang programang kultural sa Capiz gym.
Ipinaparada ang mga produkto ng Capiz sa pamamagitan ng malalaking imahe o higantes. Nilalahukan ito ng mga opisyal ng mga lalawigan, lungsod at bayan na sakop ng Capiz, mga pampubliko at pribadong paaralan sa Roxas, mga barangay at ilang mga organisasyon. Pagkatapos ng parada ay inilalagak ang mga higantes sa Roxas City Plaza hanggang ika-8 ng Disyembre, o sa araw ng pagtatapos ng pagdiriwang.
Ano Ang tawag sa kapistahan sa capiz..
TumugonBurahinPwede po bang malaman kung ano po ba ang pinagmulan nito o mayroon po bang kwento sa likod nito?
BurahinPwede po bang malaman kung ano po ba ang pinagmulan nito o mayroon po bang kwento sa likod nito?
Burahin